Kwentong Kutsero ni Karding
Alam nyo ba kung bakit nilalagayn ng tapolodo ang mga mata ng kabayo? Para diretso ang tingin? Tama at para hindi siya magagambala ng mga kasabay niya na nsa tagiliran niya.
Isang Kutsero si Karding, bata pa lamang siya ay ito na ang pinag kakaabalahan niya. Dito rin siya kumikita dahil ito ang itinuro sa kanya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Masipag siya, mabait at magalang sa mga nagiging pasahero ng kanyang kalesa. Iyon nga lang ay may mga bagay na hindi kanais nais niyang gawain. Sa tagal na niyang Kutsero ay madami nadin ang kanyang karanasan. Na paayos niya ang pamanang kalesa ng kanyang ama. Ito kasi ang nag iisang pamana nito para sa batang kutsero noon. Ngunit sa tagal ng panahon ay nasira na rin ito. Kaya't ng kumita siya ng malaki ay pinaayos niya at piankumpuni ang nasirang kalesa.
Nakabili na rin siya ng isa pang kabayo. Matanda na rin kasi ang katuwang niya sa kanyang hanap buhay. Ang pangalan nito ay si Noning. Ang sampung taon na niyang katuwang na ibinigay naman ng kanyang ina. Ngayon ay pinag pahinga na niya ito at nakalagay na lamang sa isang kubo , kung saan din niya nilalagay si Ameng, ang kanyang bagong kabayo. Sa edad na dalawamput pito ay binata pa rin si Karding. Wala kasi siya matipuhan sa kanilang lugar. Gayunman ay ayos lang sa kanya. Mahirap daw kasi ang buhay at kailangang pagipunan muna at mag handa sa pag-aasawa.
SA tagal ng kutsero ni karding ay alam na niya ang laht ng mga bagay na maari niyang gawin upang mag karoon ng madaming pasahero . Isa na dito ang pagiging mabait sa mga tao. Maasikaso at magalang. Subalit may isa lamang na hindi kaayon ayon sa kanyang gawain. Kahit hindi naman maari ay kanyang ginagawa.
Isang turistang dayuhan ang nais sumakay sa kanyang karwahe ng araw na iyon. Maaga pa lamang kasi ay handa na siya upang mag hanap buhay. Maaga siyang gumising upang maaga din siyang makahapon sa kanyang tahanan at maagang makapag pa hinga.
"Maari bang makisakay sa iyong kutsero iho?"
Wika ng matandang babae. Sa itsura pa lamang nito ay malalaman ng hindi ito taga roon mula sa kanilang bayan. Makinis ang kutis nito, maganda ang kasuotan, at maganda ang tindig. Propesyonal ito sa kanyang paningin. May edad man ay hindi naman halata sa kanyang dating.
"Sige ho"
magalang niyang sagot sa pasahero.
"Saan ho ba tayo?"
Tanong niya sa babae.
"Nais kong dalhin mo ako sa magagandang pasyalan dito sa inyong lugar. Bago lamang ako dito at nais kong maiba ang aking paningin. "
"Naku wala hong problema."
Sambit naman ng lalaki.
Inaalayan niya itong makasakay mula sa kalesa. Maingat ang knayang ginawang paghatak sa lubid na kumokontrol sa babae. At ilang saglit pa'y lumalakd na sila.
"Marami hong magagandang lugar dito sa aming nayon"
Nakangiti niyang panimula sa Ale, habang nililingon niya ito mula sa kanyang likuran.
Ngumiti naman ito sa kanya.
"Ang ama ko ho ay dating kapitan sa pook na ito, nag simula ho akong maging kutsero ng yumao ang aking ama. "
Ano ito? Mali ang kwento ni Karding? Hindi naman na ito kataka taka, dahil isa ito sa asal na hindi na nabago simula ng siya ay naging kutsero. Marami ang nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang mga gawa gawang kwento at walang katotohanan.
"Kilalang kilala ho ako rito. Oras na sambitin ninyo ang aking ngalan ay agad ho akong makikilala"
Dugtong pa niya.
Tuwang tuwa lamang ang kagalang galang na ale mula sa kanyang likuran habang palingon- lingon siya rito.
Tuwang-tuwa naman ang pobreng kutsero sa kanyang ginagawang kwento na ibinabahagi niya sa kanyang pasahero. Kahit walang katotohanan at kahit mali ay diretso pa rin siya sa kanyang istorya.
Ng matapos niya itong igala ay tuwang tuwa siya ng bayaran siya ng tatlong daang piso nito. Bihira lamang ang mag abot sa kanila ng ganitong halaga. Pahapon na ng siya ay bumalik sa kanyang tahanan. Matutulog na lamang siya ay iniisip pa rin niya ang kanyang susunod na kwentong kutsero na ibabahagi niya sa kanyang magiging pasahero sa darating pang mga araw.
Dahil sa kanyang gawain ay mraming kutsero ang sa kanya'y nagagalit. Subalit tinataasan na lamang niya ito ng kanyang balikat.
"Naku karding huwag kang maging imbento sa iyong mga pasahero at baka sa huli'y pag sisihin mo iyan. "
Paalala sa kanya ni Mang Kanor minsang mag kasalubong sila nito sa daan habang siya ay pauwi sa knayang tahanan.
Minsan habang siya ay nasa karinderya na paborito niyang pag kainan ay isang batang babae ang nakita niyang patawid sa malaking kalsada nila. Sa itsura nito ay nasa sampung taong gulang pa lamang ito. Pinag mamasdan niya ito sa malayo dahil nkita niyang papalapit ito sa kangyang pinupwestuhan. Hindi niya inaasahang isang kotseng puti ang rumaragasang sasagi sa bata, mabuti na lamang at naabutan pa niya itoat madali niya naiiwas sa aksidente. Kinabahan siya sa maaring mangyari sa bata
Nasagip niya ito mula sa kapahamakan, tuwang tuwa ang mga tao sa kanyang paligid. Maging siya ay masaya din . Kahit papano kasi ay naging bayani siya sa simpleng paraan lamang. May maganda rin paalng dulot ang pagiging malikot ng kanyang mga mata sa kanyang kapaigiran.
Lumaki ang kanyang mga tainga sa kanyang mga narinig, msarap ito sa pakiramdam at maginhawa ang tingin niya sa kanyang mga kapaligiran. Sinwerte naman siya sa kang pasada ng araw na iyon . Marami ang naging kita niya sa araw na iyon, iyon nga lang at hindi pa rin nag bago sa kanyang dating gawain. imbentong istorya naman ang kanyang ibinahagi sa mga pasaherong sumasakay sa kanya.
Ayon sa mga matatanda lahat ng bagay daw na ginagawa ay may katapat na bagay. Mabuti man o masama.
Isang matandang ermetanyo ang naglalakad ng araw na iyon . Papunta sa hindi alam kung saan. Aksidente naman itong madadaanan ni Karding. Nakasuot ang matanda ng sira sira at aduming kasuotan. Ang suot na sapatos nito ay butas sa ilalim at ang sumbrero nito at nangungutim sa kadumihan. Sa anyong iyon ng matanda ay nahabag ang matagal ng kutsero.
"Sakaya na ho kayo tatang, at madala ko kayo sa inyong paroroonan. "
Subalit tinignan lamang siya nito mula ulo hanggang paa. Animo'y sinusuri ang kanyang itsura.
"Ah, dadalhin ko ho kayo sa inyong tirahan."
Pag mamagandang loob niya dito. Subalit hindi niya inaasahan ang sumunod na sambit ng ermitanyo. Bumulong ito sa hangin at maya maya pa'y nanghina na lamang ang kutsero at bumagsak sa lupa. Huling nakita na lamang niya ay ang pag layo ng matanda.
Masakit ang ulo ng magising si Karding. Nakaramdam siya ng kagat ng lamok ng siya ay bumangon. Nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ng matandang nais niyang pag magandahan ng loob. Inikot niya ang kanyang mga mata.
"Salamat naman at nandoon pa rin ang kanyang kabayo at ang karwahe nito. tahimik na kumakain ang kanyang kabayo. Tatayo sana siya ng mapansin niyang mabalahibo ang kanyang kamay. Dahan dahan niyang sinalata ang kanyang katawan. Mula sa kanyang mga kamay nagulat siya ng makita niyang iba na ito. Wala ang kanyang limang mga daliri, at mga kuko nito. Nagulat siya ng mpansin niyang maging ang kanyang mga paa ay katulad din ng kanyang mga kamay. Animoy nakasuot siya ng makapal na sapatos ang kulay kayumanggi niyang mabalahibong kamay ay nakalapat sa lupa. Nakaramdam ng uhaw ang binata. Malui siya tumayo. Tumayo na nakalapat ang parehas niyang mga paa sa lupa. Iinom siya sa ilog ng makita niya ang kanyang sarili. mula sa repleksyon ng tubig.
Napaatras siya at muling bumalik sa harapan ng tubig. Hindi siya maaring magkamali, hindi niya anyo ang nasa kanyang harapan. Mahaba ang mukha, may buhok sa likuran ng ulo. Mbalahibo ang kanyang katawan. Isang Kabayo. Tama isa nga itong kabayo. Naging kabayo si Karding, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Natulala siya at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Umiiyak na siya,
"Ano ito? Anong nangyari sa katawan ko? Bakit ako naging kabayo? Huhuuh"
Tanong niya sa kanyang isipan.
Lumalalim na ang gabi. Kailangan na niyang umuwi. Nandoon pa rin ang kanyang kabayo. Tinawag niya ang kanyang alaga. Subalit walang lumalabs ng letra sa kanyang mga bibig. Tanging huni lamang ng isang hayop ang lumalabas sa kanyang bibig. Lumapit naman ito sa kanya. Patakbo pa ang ginawa nito sabay hinto ng malapit na sa kanya ang hayop.
Palakad na ang dalawang hayop ng may narining si Karding na pulotong ng isa pang kabayo. At tinig ng isang lalaki.
"Hiyyaaaaa"
Sigaw nito. Maganda ito para kay Karding ay makakatulong nrin sa kanya sa wakas. Nakita sila nito.
"Whoaa, Ano kayang ginagawa ng mga kabayong ito dito? Hindi bat kay Karding na mapangimbento ang isang hayop na ito? "
Parang nanliit si Karding sa kanyang narinig. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi rin niya ito mukha. Kinuha ng lalaki ang lubid hintak nito ang Alaga ni Karding na kabayo. Hindi sana siya susunod dito, nanghinayang lamang siya sa kanyang alaga.
Binigyan sila Karding ng pag kain. Tubig at silungan. Subalit hindi siya kumakain ng damo, wala siyang nagawa kundi ang tiisin na lamang ang gutom para sa gabing iyon. Tinitignan lamang siya ng ng ibang hayop na naroroon at tahimik na kumakain. Sa laki kasi ng lugar na kanilang pinuntahan kay daming hayop din ang naninirahan doon.
"Kumain kana."
Kinagulat na gumising sa kabayong si Karding. Walang tao na naroroon tanging mga kabayo, baka , kalabaw at ibang hayop lamang ang tangi niyang mga kasama. Si Ameng pala ang nag salita.
"Paano kang nakapag salita!?"
Gulat niyang tanong.
"Hindi ako nag sasalita nag kakaintindihan lamang tayo sapagkat isa ka n ring kabayo"
" Tao pa rin ako . Malungkot niyang wika. "
Pumunta sa sulok ang dating kutsero at tumalikod na lamang dito.
"Nagalit sa iyo ang matandang ermitanyo"
Kwento ni Ameng.
"Mahilig ka kasing gumawa ng kwento na hindi naman totoo. "
Napag isip si Karding. Hindi niya inaakala na may mga taong nagagalit din pala sa kanyang gawain. Nakaramdam siya ng panghihina sa sarili. Ni ayaw niyang mag pahinga ng gabing iyon. Madaling araw na ng maipikit ni Karding ang kanyang mga mata. Umaasa siya na sa kanyang pag dilat ng mata kinabukasan ay babalik na siya sa normal.
Maaga ring nagising si KArding, masaya niyang iminulat ang kanyang mga mata. Umaasang paniginip lamang ang lahat. Ngunit bigo siya sa kanyang isipin. Nalungkot siya at bumalik sa pag kakahiga. Labis na nalungkot si Karding sa nangyari sa kanya. HIndi niya ninais na ma- aaring mag ka ganon ang mangyayari sa kanyang pag ka tao. Inisip niya ang lahat ng kanyang ginawa. Lahat ng ginawa niyang pag iimbeno at pag sisinungaling sa mga tao.
Umiiyak si Karding habang nag lalakad papunta sa Farm na pagpapastulan sa kanila. Sinusundan niya ang mga kabayong nasa kanyang harapan, habang nasa likuran naman niya si Ameng.
"Naku Karding hayaan mo na mgiging msaya ka rin kahit na ikaw ay isang kabayo. Tignan mo kami masaya kami kahit mga alaga lang kami. Tulad mo noong ako ay inaalagaan mo dati. "
Kahit papano ay nabawasan ang kanyang pag-kalungkot. Nag karoon kasi siya ng katuwang sa kanyang problema. Hindi niya inaakala na ang kanyang alaga ay siya rin pala niyang magiging kaibigan.
Sa katagalan ay nakasanayan na rin ni Karding ang kanyang pagiging isang Kabayo. Natuto siyang kumain ng mga damo darak at ibat-ibang pag kain ng isang hayop. Nilagyan na rin siya ng tatak ng taong nakapulot sa kanilang dalawa ni Ameng ang dati niyang alaga. Katunayan na pag mamay-ari na sila.
Lumipas pa ang mga araw , linggo , buwan at panahon. Hindi pa rin nag babago at bumabalik sa dati si Karding. At nawala na rin sa isipan niya ang pagiging isang tao. Para sa kanya ay natural na sa kanya ang pagiging isang kabayo.
Minsan habang sila ay nag lalakad ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Nakasout ito ng smaduming kasuotan, butas na sapatos at maduming sumbrero. Ito ng ang ermitanyong bumulong sa hangin at nag pahina ng kanyang katawan. Dali-dali niya itong hinabol at hinarang. Wari niya'y nakikilala siya nito, at natatandaan. Tumingin ito sa kanya at tumawa.
"Ikaw pala iyan Karding. Natutuwa ako at nakikilala mo pa pala ako. "
Gusto niya itong sigawan, subalit tanging huni na lamang ng isang kabayo ang lumalabas sa kanyang tinig.
"Huwag kang magalit Karding. Binigyan lamang kita ng leksyon. Sana ay naging aral sa iyo ang nangyaring ito. "
Napagisip ang Kabayo.
"Huwag kang mag-alala at ibabalik na kita sa iyong dating pag ka tao. Subalit hindi na maari ang iyong gawain lagi kitang babantayan sa lahat ng iyong gawain. "
Natuwa si Karding sa narinig. Pangako niya sa sarili na hindi na niya uulitin ang kanyang pag iimbento ng kwento, . Maya-maya pa'y nag laho ang matanda, kasunod nito'y ang pag iiba ng kanyang anyo, Kasunod ay ang bagong Kutsero na nasa tabi niya na may nakapangalangang KARDING sa likuran nito. Nandoon rin si Ameng nakasuot ito ng bakal na tumatakip sa gilid ng mga mata nito. (Tapalodo ang tawag dito.)
Reblog this post [with Zemanta]Nag pasalamat si Karding sa matanda kahit wala na ito sa kanyang paningin. Nakabalik na nga siya. Tuwang tuwa siyang lumapit kay Ameng at niyakap niya ito. Masayang masaya sila at nag sisisi sa lahat ng ginawa niyang panloloko sa tao.
Bumalik na sa normal ang lahat, nakabalik na siya sa kanyang trabaho. Binago na niya ang kanyang gawain, at mag mula noon ay hindi na gumwa ng Kwentong Kutsero si Karding.
ARAL: Maging totoo at huwag mag imbento.
Sabado, Oktubre 4, 2014
Ang Inahing Manok
Ang Inahing Manok
Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5 itlog. Masayang-masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pag-pisa ng kanyang mga itlog. Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita na niya ang kanyang mga sisiw. Maging ang mga katabi niyang hayop na naninirahan din sa malaking punong iyon ay tuwang tuwa para sa kanya.
"Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok."
Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. ito na rin ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon. Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay nag hahanap ng makakain.
"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at walang karamdaman sa kanilang mga katawan. "
Tuwang-tuwa namang sagot ng inahing manok.
Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na may isang ahas na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag hayop na nandoon. Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na kaaway ng lahat ang ahas na iyon. Marami na kasing tinakot na mga hayop ang ahas. Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad upang tignan ang mga naiwan niyang mga itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga sandaling iyon.
Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit lamang na uri ang mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang pugad, nakita niyang natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na nakapalibot sa inahing bibi.
Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang nasa likuran pala niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na ngipin nito. Natakot ang manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon na mga tahimik na nag papahinga. Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot din. Agad nilubukan inahing bibi ang mga kiti niyang takot na takot din sa malaking ahas. Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang laban sa malaking ahas na naroroon. Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot siya para sa kanyang mga itlog, nag isip ng maigi nag manok.
Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan. Lalong natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa lumiligid sa kanila ay lumapit pa sa pugad ng inahin. Hin di naman hinayaang makalapit ng inahin ang ahas, Sa halip ay hinampas niya ito ng papak sabay ng pag kahig. Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang pinag tulungan ang ahas na nais kainin ang itlog ng inahing manok.
Nasaktan naman ang ahas, dahilan upang mag wala ito doon. Hindi naman sinsadya nitong mataamaan ang pugad ng manok. Lumabas na ang ahas subalit nataob ang pugad. Gumulong ang mga itlog ng manok. Kumalat ang mga ito sa kulob ng kanilang tahanan.Habang ang isa naman ay gumulong patungo sa labas . Nabasa ito ng tubig, sa takot ng manok ay nag mamadali itong lumabas ng pugad at hinabol ang gumugulong na itlog. Oras na hindi iyon huminto ay malalag-lag an g itlog sa ilog at hindi na makukuha pa ng inahing manok . Naataranta ang ibang hayop para sa itlog, nag labasan din ang ibang hayop na tutulong sa manok upang masagip ang itlog nito. Subalit walang umabot ng makita nilang nahulog na ang itlog papunta sa ilog.
Para namang nawalan ng pag-asa ang inahing manok sa pang-yayari iyong . NAlungkot ang lahat para sa manok. Sumilip ang manok kasama ng ibang hayop na naroroon sa ilog. Para namang nabuhayan ang manok ng makita niyang nakasala-lak pa pala ang itlog niya sa mga ugat ng kahoy na naroroon. Nakasalalak ito doon at malapit ng malag-lag. Nag mamadali namang bumaba ang ibang naroroon. Nandoon pala sa puno ang matsing na nag mamasid , agad itong bumaba sa puno at patalon ng inabot ang itlog sa pag kalag-lag sa ilog.
Nakahinga ng maluwag ang lahat. Masaya sila sa ginawang pag-tulong ng matsing sa manok. Ang manok nama'y kinuha agad ang kanyang itlog sa nag magdang loob na kapwa niya hayop.
"Maraming salamat kaibigang matsing sa ginawa mong pag-tulong sa aking itlog."
Walang humpay na pasasalamat nito sa matsing.
Masaya namang dinala ng matsing ang itlog sa pugad ng manok. Tumulong na rin ito upang ipunin ang itlog na gumulong kanina sa iba pang bahagi ng kanilang pugad. Ng maipo'y masayang pinag masdan ng manok ang knayang mga itlog. Nagulat naman ito ng dahan-dahang napipisa ang itlog. Napatingin ang lahat dito, Inabangan nila kung ano ang mga susunod pang manyayari.
isang maliit na tuka naman ang sumilay sa itlog. Tinulungan naman ng inahing manok ang kanyang itlog sa pag-pisa nito. Lumabas na ang unag sisiw. Masayang nag hiyawan ang mga hayop, sunod sunod naman na ang pag pisa ng mga itlog. Limang malulusog na sisw ang lumas sa itlog. Gaya ng hiling ng inahin para dito. Masayang nilukuban ng manok ang kanyang mga bagong pisang sisiw at nag-pasalamat sa lahat ng mga naroroon..

Si Mimi At ang Tatlong Bilog
Si Mimi At ang Tatlong Bilog
Labing dalawang taong gulang na ang batang si Mimi at nasa ika-Limang baitang na siya sa kanyang pag-aaral. Siya ang pinaka mahusay sa kanilang klase. Bata pa lamang kasi siya ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang para mag-basa, sumulat at bumilang. Kaya naman naging mahusay na siya sa kaniyang unang pag-pasok sa paaralan. Ipinag-mamalaki siya ng kanyang magulang kahit kanino.
"Ang anak ko ang pinaka mahusay sa kanilang klase."
Pag-mamalaki ng kanyang ama sa kasamahan nito sa bukid.
Kahit mahirap ang buhay ng batankg si Mimi ay nag tatiyaga siya sa kanyang eskwela. Araw-araw niyang tinatawid ang dalawang ilog sa kanilang lugar upang siya ay makapasok lamang sa kanyang paaralan. Kahit ganoon man ay pinipilit parin niyang mag-sumikap upang marating niya ang nais niyang kurso pag tapak niya sa kolehiyo.
Marami siyang kaibigan, mabait kasi si Mimi. Magalang sa matatanda at masunurin sa mga utos nito.At sa mura niyang edad ay alam na niya ang dapat niyang gawin sa araw-araw. Katulong siya ng kanyang ina sa sa pag-hahatid ng pag-kain ng kanyang ama sa bukid, sa tuwing wala siyang klase. Tumutulong din siya sa gawaing bahay at pagluluto tuwing siya ay libre.
Ngunit ng araw na iyon ay mag isa lamang siyang mag hahatid ng lutong pag-kain sa kanyang ama. Naglalaba kasi ang kanyang ina ng araw na iyon. Linggo ng tanghali ang araw na iyon, may dalang basket si Mimi upang dalhin sa knayang ama sa bukid. Masaya siyang nag-lalakad sa pilapil ng bukid at paawit-awit pa, ng bigla siyang matapilok at mawalan ng balanse. Nalag-lag sa bukid ang bata. Naputikan ang kanyang mga kamay at paa, subalit hindi iyon ang kanyang ikinagulat ng sandaling iyon. May nakita kasi siyang tatlong bilog sa kanyang pinag bag-sakan. Hindi niya alam kung anung uri ng bagay ang mga iyon. Kulay pula , asul at puti ang mga kulay nito.
"Itlog ba ang mga ito? "
Pag tatanong niya sa sarili.
"Hindi naman siguro malaki ito sa normal na itlog at iba ang kulay nitong dalawa."
Inilapit pa ng bata ang isang bilog na bagay sa kanyang tainga. Para pinakikinggan nito kung anu man ang nasa loob ng bagay na iyon. Inalog alog pa at sinuring mabuti.
"Naku! Baka magalit na si itay ang mga pag-kain niya . "
Naalalang bigla ni Mimi. Dali-dali siyang tumayo at inilapag ang mga itlog sa loob ng kanyang basket.
"Ama! Nandito na po ako. Andito na po ang inyong tang-halian. "
Masaya nyang bungad sa ama habang tintawag niya ito mula sa bukid.
"Anong nang-yari sa iyo anak?"
May halong pag-tataka niya sa anak.
"Naglaro kaba sa putikan?"
"Naku! Hindi po, nalalag-lag po ako sa bukid."
Natatawang sabi ni Mimi.
Dahil sa pagkukwento ng bata sa kanyang ama ,nalimutan niya ang mga itlog na napulot niya sa putikan ng siya ay mahulog dito. Pauwi na siya at pabalik na sa kanilang tahanan ng ma-alala ulit niya ang mga bagay na napulot niya. Napag pasyahan niyang huminto muna at umupo sa ilalim ng punong mangga na nadaanan niya. Tahimik siya umupo at kinuha ang isang bilog sa kanyang bitbit na basket.
"Ano kaya ito?"
Muli niyang tanong sa kanyang sarili.
Habang pinag mamasdan ay naisip niyang ilagay sa kanyang harapan ang dalawa pang nasa kanyang lalagyan. Humiga siya sa damuhan at humarap sa kanyang nasa harapan. Hanggang sa makatulog siya sa kanyang posisyon.
Pahapon na ng siya ay magising,pag mulat niya ay nasa harapan pa rin niya ang tatlong bagay sa kanyang harapan.
"Hinahanap na ako ng ina sigurado."
Pag-aalala niyang sambit.
Iiwanan sana niya ang makukulay na bilog na natagpuan niya kanina. Subalit naisip niyang kunin na lamang ito at gawing palamuti sa kanyang silid. Nadatnan niyang na-nanahi ng sirang bao ang kanyang ina sa harap ng pintuan. Agad siyang nag mano at pumasok sa kanyang silid. Kasama niyang inakayat ang tatlong bilog at inilagay iyon sa lamesita nasa tabi ng kanyang higaang kawayan. Matapos niyon ay bumaba n siya at nagluto ng kanilang hapunan, pag-dating ng kanyang ama ay sabay sabay silang nagsalo-salo sa hapag.
Matapos non ay nag-linis siya ng kanyang katawan at pumanhik na muli sa kanyang silid. Nag-basa ng aklat at nag-aral sa kanyang mga aralin. Nananalagin na siya para sa kanyang pag-tulog ng mapansin niyang muli ang tatlong bagay na napulot sa bukiran.
Pinagmasdan niyang muli ang bagay na iyon. Inilagay sa kanyang mga kamay at ipinatong ang isa sa kanyang sikmura. Hanggang sa mahimbing na siya.
Kalagitnaan iyon ng tulog ng bata ng magising siya. Nakarinig kasi siya ng hindi kilalang ingay. Para iyong isang pagaspas ng malaking ibon sa tabi ng kanyang silid. Dudungaw sana siya sa binatana ng mapansin niyang may-kakaiba sa mga bagay na nakuha niya sa bukid. Maya liwanag kasi na nang-gagaling sa paligid nito. Animoy parang mabibiyak. Lalong lumakas ang ugong sa labas ng kanyang silid, kasunod nito ang isang huni na parang pito sa pandinig niya ng malaking ibon.
Napaupo siya sa isang sulok ng kanyang kwarto ng makitta niya na isang dambuhalang ibon ang sumungaw sa kanyang bintana.
"Inay! Itay!"
Sigaw ni Mimi na may halong takot at kaba. Subalit parang hindi siya naririnig ng mga ito. Napansin ni Mimi na nakatuon ang pansin ng malaking ibon sa mga bagay na nasa kanyang higaan. Umiilaw ang mga ito na parang may lalabas mula sa loob ng tatlong bagay na iyon. Humuhuni oa rin ang ibon. Lakas loob na lumapit ang bata sa kanyang higaan dahan-dahang hinawakan ang umiilaw na bagay. Para namang nagalit ang malaking ibon at sumigaw ito ng malakas. Napaatras si Mimi, subalit muli siyang sumulong sa pag-lakad. Hinawakan niya ang mga ito at kinuha ng dahan-dahan. Ganoon din ang ginawa niyang pag-lakad papunta sa ibon. Marahan niyang inaabot ang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng malaking ibon nkatoon ito sa hawak niya. Para namang nakaintindi ang ibon. Mula sa kanyang mga tuka ay binit-bit ng ibon.
Mula sa kanyang silid ay marahang lumabas ng bahay ang batang si Mimi naroroon kasi ang bata .Muli pa'y nakita ni Mimi ang napakalaking ibon na maaring sumakop sa kanilang munting tahanan.
Tatlong maliliit na huni ang narinig ng bata. Mula sa tatlong bagay pala na napulot niya ay may mga munting ibon na magmumula sa loob nito mabuti na lamag at hindi niya naisipang pag-laruan ang mga iyon. Sa kanyang kinalalagayan ay muling humarap sa kanya ang malaking nilalang at humuni ito ng marahan paharap sa kanya.
Natuwa ang bata, ilang saglit pa'y muling kumampay ang pak-pak nito at marahang inisakay ang tatlong maliliit pang ibon sa likuran nito. Umangat na ito sa lupa marahang-marahan. Para namang nag papasalamat ang malaking ibon sa kanya. Nginitian niya ito hanggang sa lumipad ito palayo ng palayo.
Naging maganda ang kinabukasan ni Mimi ng sumunod na araw ,hindi maalis sa isipan niya ang mga pangyayari sa kanya ng nagdaang gabi. Umaasa siya na makikita pa niyang muli ang mga nilalang na hinid nawala sa isipan niya..

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)